Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Bakit 'hindi nakumpirma' ang aking transaksyon sa bitcoin?

Ang hindi nakumpirma na transaksyon ay nangangahulugang ang transaksyon ay hindi pa kasama sa isang block at sa gayon, hindi pa kumpleto. Karamihan sa mga tatanggap ay nangangailangan ng hindi bababa sa isang kumpirmasyon upang makumpleto ang transaksyon, kabilang ang Wirex.

Mga karaniwang dahilan ng hindi nakumpirma na mga transaksyon ay ang mga:

  • Ikaw ay katatapos na mag-transfer. Ang Bitcoin network ay nangangailangan ng hindi bababa sa 10 minuto, sa karaniwan, upang maisama ang mga transaksyon sa isang block;
  • Ang bayad sa blockchain ay masyadong mababa o absent. Kapag mas mababa ang bayad sa blockchain, mas mababa ang prayoridad ng transaksyon sa Bitcoin Network. Samakatuwid, mas mahaba ang aabutin ng kumpirmasyon;
  • Ang Bitcoin network ay na-overload. Dahil sa limitado nitong kapasidad, hindi maaaring iproseso ng network ang mga transaksyon nang mabilis, lalo na sa mga panahong may mataas ang transaksyon.

Kung ang iyong mga transaksyon ay hindi nakumpirma, kadalasan kailangan mo lang maghintay. Karamihan sa mga transaksyon ay nakukumpleto sa loob ng isang araw o dalawa (o higit pa kung ang blockchain ay na-overload).

Sa bihirang mga kaso, ang mga transaksyon na may mababa o absent fee ay maaaring hindi makaalis sa estado na hindi nakumpirma ng mahigit isang linggo. Sa ganitong sitwasyon, inirerekumenda namin ang mga sumusunod na opsyon:

  • Maaari mong mapabilis ang iyong transaksyon. Maghanap para sa anumang naaangkop online, o hingin sa aming support team para sa mga rekomendasyon;
  • Maaari kang maghintay. Ang iyong transaksyon ay maaaring nakumpirma na o na-expire/ 'nakalimutan' at bumalik sa source wallet. Ito ay maaaring tumagal nang hanggang sa 14-21 araw.
  • Maaari mong subukan ang Child Pays for Parent (CPFP) na paraan. Sa makatuwid, maaari mong gastusin ang lahat ng mga pondo mula sa iyong wallet (halimbawa ipadala ang mga ito sa iyong sarili). Hangga't ang iyong wallet ay naglalaman ng "change" mula sa mga hindi nakumpirma na transaksyon, ang mga minero na sumusuporta sa mga CPFP ay sapilitang isasama ang iyong bagong transaksyon at ang iyong hindi nakumpirma sa isa sa mga block. Tiyakin na ang iyong bagong transaksyon ay may competitive fee. (Hindi pa nasusubukan ng Wirex support team ang pamamaraang ito sa Wirex wallets, kaya hindi namin masisigurado na gagana ito).

Ang mga opsyon sa itaas ay angkop lamang sa transaksyon na ipinadala mula sa Wirex wallets. Kung ang iyong transaksyon sa Wirex wallet ay na-stuck, mangyaring makipag-ugnayan sa service provider o maghanap ng karagdagang payo mula sa Bitcoin Magazine's na artikulo.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
4 sa 6 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling