Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Paano makakakuha ng Wirex card?

Ang Wirex card ay Visa debit card na naka-link sa iyong Wirex bitcoin wallet. Gamitin ito bilang normal na debit card; maaari mong gastusin at i-withdraw ang iyong pera saanman sa buong mundo. Upang maka-order ng iyong unang card, kailangan lang ibigay ang iyong pangalan, petsa ng kapanganakan (>18) at address. Hindi tulad ng mga bangko, hindi mo kinakailangang mag-fill out ng mga form o anumang mga dokumento. Ganoon kasimple.

Maaari mong i-check ang iba't ibang presyo ng mga card sa Magkano ang halaga ng Wirex card? na artikulo.

Ang artikulong ito ay naglalarawan kung paano makakakuha ng Wirex bitcoin card mula sa website na ito. Kung ikaw ay gumagamit ng Mobile App, pumunta sa Wirex App: Paano umorder ng Wirex card na artikulo.

Narito ang mga hakbang:

  1. Mag-login sa iyong Wirex account > i-navigate sa Mag-order ng mga Card na bahagi sa kaliwa > piliin ang uri ng card na kailangan mo. Karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng card ay available dito: tsart ng paghahambing ng mga uri ng card ng Wirex.
  2. Sa Step 1, punan ang iyong Personal na impormasyon: buong pangalan at petsa ng kapanganakan > Sunod: Billing at Delivery.
  3. Sa Step 3, ipasok ang iyong Billing address. Para sa plastic card, maaari ka ring magpasok ng ibang Delivery address, kung ikaw ay hindi nakatira sa iyong tirahan sa sandaling ito. Kung nais mong magkaroon ng mas mataas na limitasyon at higit pang mga opsyon para sa iyong card, kakailanganin mong magbigay ng ilang karagdagang impormasyon sa pagve-verify. Sa ngayon, siguraduhin na ipasok ang iyong totoong pangalan at petsa ng kapanganakan (tulad ng sa iyong official ID) at billing address kung saan maaari kang magbigay ng patunay na dokumentasyon. Higit pang impormasyon tungkol sa pag-verify ay makikita dito: Paano at bakit kailangan i-verify ang Wirex account.
  4. Piliin ang Uri ng paghahatid para sa plastic card. Karagdagang impormasyon tungkol sa mga uri ng paghahatid ay makikita dito: Uri ng paghahatid ng Wirex plastic card.
  5. Pumunta sa susunod na hakbang sa pamamagitan ng pag-click sa Susunod: Paraan ng pagbabayad. Maaari mong gamitin ang Wirex bitcoin account, Wirex card o external bitcoin wallet bilang isang Paraan ng Pagbabayad. Kung pinili mo ang iyong Wirex account o card, ang iyong inorder na bagong card ay ilalagay kaagad. Kung pinili mo ang Panlabas na account, matapos mong ilagay ang order, makikita mo ang isang QR code, bitcoin address at eksaktong halaga na kailangan mong ipadala sa loob ng 24 oras. Sa sandaling natanggap na ang mga pondo, ang inorder na card ay awtomatikong makukumpleto. Kung hindi kami nakatanggap ng bayad mula sa iyo, ang card order ay mawawalan ng bisa.
  6. Suriin ang detalye ng iyong inorder na card sa pamamagitan ng pag-click sa Tingnan ang Buod > Ilagay ang Order. Kung kailangan mong magsagawa ng mga pagbabago, piliin ang Mga detalye sa pagbabago ng order.
    TANDAAN: Hindi mo maaaring baguhin anganumang detalye sa sandaling nakapagbayad na para sa order.

Maligayang Bati! Ang iyong card ay na-order na. Ang virtual card ay darating kaagad sa iyong Wirex-linked inbox, habang ang plastic card ay ihahatid sa iyong address. Maaari mong i-check ang kabuuang oras ng paghahatid para sa plastic card sa Gaano katagal aabutin ang paghahatid na artikulo.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
28 sa 42 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling