Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Hindi ko natanggap ang Account Activation email

Gusto mong makumpleto ang iyong Wirex registration at kumpirmahin ang iyong email address, ngunit hindi ka nakatanggap ng account activation email? O marahil ang iyong Activation link ay nag-expire? Maaari kaming makatulong na malutas ang problema.

Sundan ang mga hakbang sa ibaba:

  • I-check ang Junk/Spam na folder ng iyong mailbox, siguraduhing ang Wirex emails ay hindi naka-block sa iyong spam filter o antivirus.
  • Suriin ang mga folder ng iyong mailbox, at hanapin ang "Wirex" na keyword - marahil, may isa kang patakaran o filter na nilipat ang Activation email sa iba pang folder.
  • Magkahiwalay na suriin ang iyong Trash/Deleted Items na folder.
  • Maghintay ng 15 minuto. Maaaring may pagkaantala, at ang mensahe ay makakarating maya-maya.
  • I-check sa iyong email provider kung ang mga email ng Wirex ay naharangan. Whitelist, o hingin sa iyong email provider na i-whitelist ang wirexapp.com na domain.
  • Ipadalang muli ang activation email. Pumunta sa Login page > ilagay ang email at password na ginamit mo sa pag-setup ng iyong account. Babalitaan ka na ang iyong account ay hindi pa aktibo > i-click ang Resend Activation Email.
  • Kung hindi ka pa rin nakakatanggap ang activation email, at ang iyong email provider ay pinayuhan ka na ang mga mensahe ay hindi nakaabot sa kanila, irerekumenda namin na gumamit ng ibang email address, sapagkat kakailanganin mo makatanggap ng mga email na sensitibo sa oras sa hinaharap.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling