Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Paano ako magsisimula sa Wirex?

Itong Unang Mga Hakbang sa Wirex na gabay ay naglalayong ipakita sa iyo kung paano magsimula ng personal banking sa Wirex. Lahat ng Wirex accounts ay cloud-based, ibig sabihin, lahat mula sa registration account hanggang sa card order ay maaaring gawin online.

Para sa mga gumagamit ng parehong bitcoins at tradisyunal na mga pera, ang Wirex ay ang ultimate na solusyon para sa pinansiyal na kalayaan. Gamitin ito sa iyong pang araw-araw na pananalapi - magpadala at tumanggap ng pera mula sa kahit sino sa buong mundo, bumili at magbenta ng bitcoins, i-convert ang mga ito sa USD, GBP o EUR, at gastusin ang mga ito sa milyun-milyong mga lokasyon - lahat sa isang account. Ang iyong mga pondo ay maaaring ma-access saanman at anumang oras. Ito ay mabilis, ito ay ligtas, nandito na lahat ng kailangan mo.

Kung ikaw ay nandito, handa ka na para sa lahat ng mga pagkakataong maaaring ibigay ng Wirex. Tayo'y magsimula sa ilang mga pangunahing mga bagay-bagay:

Hayaan ninyo kaming ipapakilala ang aming sarili. Matuto nang higit pa tungkol sa Wirex at kung paano kami nakarating doon.

Ang aming nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Basahin ang aming blog posts tungkol sa Wirex, ang aming nakaraan at kung ano ang aming layunin sa ngayon.

Irehistro ang iyong Wirex account.

Ang iyong Wirex account ay magiging handa na sa loob lamang ng ilang clicks. Upang makuha ang pinakamahusay na alok ng Wirex, lumikha ng iyong personal bitcoin wallet at mag-order ng debit card. Basahin ang aming Paano gumawa ng Wirex account na artikulo para sa mga sunud-sunod na mga tagubilin.

Simulan ang paggamit ng iyong account. Magdagdag ng mga pondo sa iyong Wirex bitcoin account.

Ang Wirex ay gumagana tulad ng isang online bank account. Upang magdagdag ng mga pondo sa iyong account, ikaw ay may 2 pagpipilian: magdagdag ng bitcoins sa iyong Wirex account o bumili ng bitcoins. Para sa sunud-sunod na tagubilin, basahin ang mga ito handy guide.

Mas maraming card, mas maraming magagawa. Mag-order na ng iyong unang Wirex card.

Kailangan mo ng isang card bago magastos ang iyong pera sa kahit saan mo gusto. Napakadaling mag-order ng isa sa Wirex, kailangan mo lang magdesisyon kung anong card ang gusto mo ilagay ang iyong personal na impormasyon, resisdence address at gusto mong paraan ng pagbabayad. Ta-da! Ang card ay parating na. Basahin ang aming 0>Paano makakakuha ng Wirex card na artikulo para sa sunod-sunod na mga tagubilin.

Mag-load. Magdagdag ng mga pondo sa iyong bagong-order card.

Nasa iyo ang iyong card at bitcoins sa iyong account, handang magastos. Ano ang kasunod? Mag-load ng bitcoins papunta sa iyong card (agad itong maco-convert sa currency ng card). Maaari mo rin direktang idagdag ang tradisyunal na pera sa iyong card.

Basahin ang mga artikulong ito kung paano magdagdag ng mga pondo sa iyong bagong Wirex card.

Congratulations! You can now use Wirex debit card to spend your bitcoins or fiat (traditional currencies) anywhere Visa is accepted!

Ngayo'y tingnan ang iba pang mga feature na gagawing mas mahusay ang pamamahala ng iyong pondo.

Interesado sa pagbili ng mga bitcoin?

Pwede ka palaging bumili ng ilang bitcoins kung ikaw ay isang Wirex cardholder. Basahin ang aming artikulo tungkol sa pagbili ng bitcoins sa Wirex.

Kahit saan, anumang oras. I-download ang Wirex mobile app.

Malayo ka ba sa desktop? Gawin itong mobile at gawin parin ang lahat ng kailangan mo! I-download ang aming user-friendly na app: iOS I Android. Read our Wirex Mobile App help section to get additional information about the app.

Ligtas at sigurado. Tiyakin ang seguridad ng iyong Wirex account.

I-enable ang two-factor authorization para sa pinahusay na seguridad upang maprotektahan ang iyong mga pondo.

Ipagkalay ang magandang balita. Irekomenda ang Wirex sa iyong mga kaibigan.

Sa tingin namin ang Wirex ay napakaganda. Kung sa tingin mo rin, gusto mong ba na ang iyong mga kaibigan ay makinabang din mula dito habang nagkakaroon ng karagdagang kita para sa iyong sarili? Tingnan mo kung paano ka makakasali sa aming Affiliate programme.

Ayaw mong maka-miss ng kahit anuman? Manatiling nakikipag-ugnay.

Mag-subscribe sa aming newsletters, basahin ang aming blog at sundan kami sa social networks upang makakuha ng mga pinakabagong impormasyon tungkol sa aming promos, mga inaalok at bagong tampok.

May gusto ka bang malaman na anumang tungkol sa Wirex? Magtanong lamang!

Hindi sigurado kung paano gawin ang isang bagay, o nais na ibahagi ang isang ideya? Tingnan ang aming FAQ, o makipag-ugnayan sa aming lubos na matulunging Wirex support team.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
11 sa 12 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling