Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Ang Wirex account ba ay ligtas?

Ang maiksing sagot: Oo, ang iyong Wirex account ay ligtas.

Ang mahabang sagot: Ang seguridad ng pondo ng aming mga user ay may pinakamataas na prayoridad para sa amin, nakagawa kami ng ligtas at mapagkakatiwalaang platform na gumagamit ng pinakabagong teknolohiya ng seguridad sa blockchain at pinansiyal na industriya. Narito ang ilang mga pangunahing mga feature:

  • SSL. Ang Wirex ay gumagamit ng 256-bit SSL para sa lahat ng mga komunikasyon sa pagitan ng server at web browser, na kung saan ganap na inaalis ang posibilidad ng "man in the middle attack". Ang SSL (Secure Sockets Layer) ay isang standard na pangseguridad na teknolohiya para sa pagtaguyod ng isang naka-encrypt na link sa pagitan ng isang web server at isang browser. Sinisiguro ng link na ito na ang lahat ng data na dumaan sa pagitan ng mga web server at browser mananatiling pribado at mahalaga.
  • Kumpirmasyon sa pamamagitan ng email address. Ang iyong Wirex account ay naka-link sa iyong mailbox. Anumang impormasyon na may kinalaman sa card o fund-sensitive na mga confirmation email ay ipapadala sa iyong email address. Dahil dito, kung na-access ng hacker ang iyong Wirex account, siya ay makakagawa lamang ng limitadong bilang ng mga gawain, at hindi kasama dito ang pagpadala ng iyong mga pondo sa labas ng iyong Wirex account. Lubos naming inirerekomenda na magkaroon ng magkakaibang mga password para sa iyong Wirex account at Wirex-linked mailbox.
  • Enhanced security / Two-Factor Authentication (2FA). Ang 2FA ay isang extra layer ng seguridad na nangagailangan hindi lamang ng password at username pero isa pang bagay na ang user lang ang mayroon at wala nang iba, kagaya ng isang piraso ng impormasyon na ang user lang ang nakakaalam o na hawak kaagad - gaya ng isang physical na token. Basahin ang aming Help Center na artikulo tungkol sa 2-factor authentication para sa karagdagang mga detalye. Upang gawing mas ligtas ang iyong account, inirerekumenda namin na i-enable ang 2FA para sa iyong parehong Wirex account at Wirex-linked e-mail account.
  • Multi-signature technology. Lahat ng wallets sa aming system ay protektado ng BitGo's multi-signature technology. Ang teknolohiyang ito ay ginagawang imposible ang pag-transfer ng mga pondo na walang transaksyon na nilagdaan ng lahat ng mga partidong kasangkot. Ang bawat Wirex user ay mayroong 2-3 multi-sig bitcoin wallet na may natatanging set ng private keys (ang bawat key ay naka-encrypt sa isang matibay na password at ang backup key ay ganap na naka-store offline); kami ay nakikiisa sa BitGo, ang world leader sa blockchain security, para masigurado na ang iyong mga pondo ay nakatago nang sigurado at ang aming wallet infrastructure ay regular na ino-audit. Magbasa nang higit pa tungkol sa 2-3 wallets sa BitGo's official site.
  • Microservice architecture. Ang Wirex ay gumamit ng micro service architecture, na kung saan bawat serbisyo ay may sariling set ng mga karapatan sa access at responsable para sa isang operasyon. Ang bawat operasyon sa wallet ay hinihigpitan ng IP at maaari lang gawin ng Wirex micro service. Inaalis ng microservice architecture ang single point of failure at ginagawang imposible para sa isang attacker na makakuha ng ganap na kontrol sa user wallet.
  • Mga Patakaran. Ang sopistikadong wallet policies ng Wirex at analysis tools ay madaling maka-detect ng hindi pangkaraniwang kilos, halimbawa ang pag-withdraw ng malalaking halaga, maraming mga wallet operation na nangyayari sa isang maikling panahon, atbp...
  • Personal na wallet. Hindi namin hinahawakan ang mga pondo ng mga customer sa iisang wallet lang (magugulat kang malaman kung ilang mga serbisyo ang gumagawa noon); sa halip, may nakalaang personal wallet para sa bawat customer. Sinisiguro nito na ikaw lang ang nagmamay-ari ng mga pondo at wala nang iba pa. Bawat personal wallet ay binibigyan ng 3 keys, nabuo at nakalagay sa iba't ibang mga device na may access policies at mga analysis tool, na nagbibigay ng mas mataas na seguridad at makabagong proteksyon mula sa pandaraya.
  • Walang access sa mga detalye ng iyong card. Ang Wirex ay hindi nagtatago ng anumang mga numero ng bitcoin debit card, expiry date o mga CVV code. Sa halip, ang Wirex ay nagpapatakbo gamit ang card proxies, na nangangahulugan na ang lahat ng data ay itinatago nang ligtas ng aming bangko at wala ni isa sa mga empleyado ng Wirex ang may access dito.
  • Support awareness. Ang iyong seguridad ay lubos naming sineseryoso, kaya nagsasagawa kami ng masusing pagbeberikipa kapag nakakatanggap kami ng requests na i-disable ang two-factor authentication, pagpapalit ng email address, o anumang pagbabago sa account. Ang account na may kaugnayan sa kahilingan ay maaari lamang ma-address sa pamamagitan ng aming Support Team kung pinasimulan mula sa iyong Wirex-linked e-mail address.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
10 sa 11 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling