Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Gaano katagal ang aabutin bago makatanggap ng mga pondo sa aking Wirex bitcoin account?

Ang Wirex ay bahagi ng BitGo Instant network. Ibig sabihin, maaari mong ipadala ang bitcoins sa Wirex accounts mula sa ibang Wirex account agad-agad. Itong instant transfer na feature ay maaari rin sa mga pondo na inilipat mula sa isa pang bitcoin wallet na bahagi ng BitGo Instant network.

Para sa mga transaksyon sa labas ng BitGo Instant network, ang bitcoins na ipinapadala sa Wirex account ay maaring tumagal hanggang 30 minuto dahil kami ay nangangailangan ng 3 kumpirmasyon mula sa blockchain. Kaya maaaring magkaroon ng pagkaaantala. Ang pagkumpirma ay mahalagang bahagi ng blockchain transfer. Maaari mong mahanap ang karagdagang impormasyon tungkol sa Bitcoin confirmations dito sa Wiki na artikulo.

Para sa altcoins na ipinadala gamit ang Shapeshift integration, ang oras ng pagdating ay depende kung gaano katagal ang transfer mula sa iyong source wallet papuntang ShapeShift (ang iba't ibang cryptocurrencies ay maaaring may iba't ibang agwat). Pagkatapos matanggap at ma-convert ng Shapeshift ang iyong altcoin sa bitcoin, makakakuha ka ng pondo sa iyong Wirex waller sa loob ng ilang minuto. Ang buong proseso ay maaaring tumagal mula ilang minuto hanggang ilang araw.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
12 sa 24 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling