Help Center

Help Center

Paano kami makakatulong?

Paano ba mag-order ng virtual card ng Wirex?

Makakapag-order ka lang ng card kapag na-verify na ang iyong Wirex account.

Kung mag-o-order ka ng GBP card, ibibigay ito kasama ang nauugnay na currency account. Ipapatupad namin sa lalong madaling panahon ang parehong serbisyo para sa mga EUR card. Magbasa pa tungkol sa mga bagong Wirex card na may mga currency account dito.

Paano mag-order ng virtual card sa Web application ng Wirex

  1. Sa Dashboard → Profile, sa ilalim ng Mag-order ng mga card, piliin ang uri ng card (currency) na gusto mong makuha. Maaari mo ring i-click ang Magpalit ng mga currency at, kung wala ka pang anumang card, mapa-prompt kang mag-order ng card.
  2. I-click ang Suriin ang order at tingnan ang iyong mga personal na detalye. Kung gusto mong baguhin ang mga ito, i-click ang Baguhin ang mga detalye ng order. Sa ganitong sitwasyon, ibabalik ka sa window ng Mag-order ng bagong card, kung saan mo mae-edit ang mga detalye.
  3. Kumpirmahin ang iyong order sa pamamagitan ng pag-click sa Kunin ang card

Paano mag-order ng virtual card sa iOS at Android application ng Wirex

  1. Sa Dashboard, mag-swipe pakaliwa o pakanan papunta sa screen ng Mag-order ng card. I-tap ang Mag-order ng card.
  2. Piliin ang uri ng card at currency at i-tap ang Susunod. May lalabas na screen na magkukumpirmang nagawa na ang card.

Tandaan: Matatanggap mo kaagad ang na-order na virtual card. Maa-activate ang card sa sandaling matanggap mo ito. Walang kinakailangang karagdagang pag-activate.

Huwag mag-atubiling gamitin ang mga detalye ng card mo para sa mga online na pagbabayad.


Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito

Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling